CASH AID, GROCERY ALLOWANCE SA UP ACADEMIC EMPLOYEES
INANUNSIYO ng All UP Academic Employees Union na tatanggap ng cash assistance at year-end grocery allowance ang mga miyembro nito.
Ayon sa unyon, batay sa napagkasunduan sa pulong ng Union-Management Monitoring Committee ng AUPAEU at UP Administration, ang mga academic employee ng unibersidad ay tatanggap ng P5,000 cash assistance at P8,400 year-end grocery allowance na nakatakdang ipalabas sa Disyembre 11.
Napag-usapan din sa pagpupulong ang pagkakaloob ng performance-based bonus at paglabas ng pinal na approval sa output ng Technical Working Group para sa Health and Wellness sa Enero 2021.
Sinabi ng UP panel na nakatakda ring ipalabas ang hazard pay at special risk allowance ng frontline public health care workers mula Setyembre hanggang Disyembre na magmumula sa Department of Budget and Management.
Muling magpupulong ang UMMC sa Disyembre 18, 2020 para isapinal ang fringe benefits ng mga empleyado.
Kabilang sa mga benepisyong ito ang Mid-year Economic Assistance, Rice Allowance, Loyalty Incentive Award, Quarterly Incentive Grant, Sagad Award, Book Technology & Research Allowance, at Birthday Bonus.