Campus

BICOL U COLLEGE OF MEDICINE HANDA NA SA F2F CLASSES

/ 8 May 2021

PINAYAGAN na ng Commission on Higher Education ang Bicol University College of Medicine na magsagawa ng face-to-face classes sa susunod na akademikong taon.

Ito ay kasunod ng pag-inspeksiyon at pagkumpleto ng requirements ng Bicol U noong Mayo 5.

“Today is an opportune time for us to listen to CHED Chairperson Dr. De Vera as to when we can start with the limited face-to-face classes for the College of Medicine,” wika ni Bicol U President Arnulfo Mascariñas sa isinagawang programa noong isang araw.

Mapanghamon umano para sa unibersidad ang clerkship courses ng mga kursong pangmedisina kaya ngayon, sa pagtanggap ng CHED sa kanilang aplikasyon, inaasahang matiwasay na makapagpapatuloy ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral.

Paalala naman ni De Vera na bagaman mahirap, posible pa rin ang unti-unting pagbubukas ng mga paaralan simula Hulyo.

Siguruhin lamang na susunod sa protokol at mahigpit na mag- iingat ang mga guro at mag-aaral.

“The commission will continue assisting schools with medical programs,” pagtitiyak pa ng CHED chair.

Pinamunuan ni De Vera ang inspection team, kasama sina UniFAST Officer-in-Charge Executive Director Atty. Ryan L. Estevez, CHED Commissioner at Bicol U Board of Regents Chair Dr. Aldrin A. Darilag, at CHED Regional Office V Director Dr. Freddie T. Bernal.

Nasa gawain din sina Bicol U College of Medicine Dean Dr. Luis Domingo Mendoza, Associate Dean Dr. Rosebe Lauraya, Polangui Campus Dean Prof. Mary Joy B. Catangui, College of Agriculture and Forestry Prof. Domingo Ll. Nace, Vice President for Administration and Finance (VPAF) Atty. Joseph Bartolata, at Presidential Management Staff Office Chief Dr. Reina O. Habalo.