Campus

BASAkleta SA ISKUL SA PANABO CITY

/ 29 July 2020

UMIIKOT ang gulong ng buhay sa araw-araw. At kasabay nito ay hindi rin umano dapat matigil ang paggulong ng karunungan.

Habang hindi pa pormal na nagbubukas ang school year 2020-2021, bisikleta at libro ang gamit ng Salvacion Elementary School sa Panabo City upang hindi matigil ang pagkatuto ng mga bata sa kanilang proyektong ‘BASAkleta’ na naglalayong maihatid ang karunungan at maituro ang katapatan.

Nakapwesto sa harap ng bahay ng guro o purok leader ang mga bisikletang may kargang libro. Dito ay malayang makakakuha ng libro ang bawat mag-aaral at kailangang magrehistro sa log-book.

“Noong nakita ko po ang launching ng BASAkleta, hindi na po ako nagdalawang isip na dalhin at papuntahin ang mga anak ko dahil alam kong marami po silang matututunan doon,” ani Tatay Ralph Dela Peña, na naghahangad na maging produktibo ang dalawang anak kahit na mayroong pandemya.

Bilang assessment, kailangan ring kumpletuhin ng learner ang impormasyon sa borrower’s card na may katagang, “Ang akong natunan sa basahon ay __.” (Ang natutunan ko sa ba-basahin ay __.”

“The BASAKleta project is part of the school’s learning continuity plan amidst Covid19 in or-der to strengthen and bring back the love of the children for reading,” pahayag ni Principal Irhyn E. Petalcorin.

Boluntaryo ding ipinahiram ng guwardiya ng paaralan ang kanyang bisikleta bilang suporta niya sa adbokasiya ng paaralan. May libreng champorado rin na bigay ng LGU-Panabo at RICH Co-coa sa bawat reading station.