Campus

4 DLSU PROFS PASOK SA TOP 2% RESEARCHERS SA BUONG MUNDO

/ 13 November 2020

APAT sa mga mahuhusay na propesor ng De La Salle University ang napabilang sa nangungunang mga mananaliksik sa buong mundo, ayon sa pinakabagong statistical analysis ng Stanford University.

“Four De La Salle University faculty researchers are included in the list of the world’s top 2% researchers across all disciplines in a paper published by a team led by a Stanford University statistician John Ionnidis,” pagmamalaking pahayag ng DLSU sa isang Facebook post.

Ang apat ay kinabibilangan nina Dr. Raymond Tan, ang kasalukuyang Vice Chancellor for Research and Innovation at University Fellow; Dr. Allan B.I. Bernardo, miyembro ng pakuldad ng Psychology Department, isang Distinguished University Professor at University Fellow; Dr. Kathleen Aviso, full professor ng Chemical Engineering; at Dr. Aaron Don Africa, full professor ng Electronics and Communications Engineering.

Ang listahan ay may 160,000 pangalan ng mga mananaliksik. Dalawampu’t anim lamang ang Philippine-based researchers at apat dito’y taga-DLSU. Ang naturang pamantasan din ang nangungunang Higher Educational Institution sa Filipinas na may pinakamaraming listed faculty researchers.

Ayon sa artikulo ng grupo ni Ionnidis, ang istadistika ay ibinatay sa scientific impact o citation performance ng mga mananaliksik noong 2019.

Silipin ang pananaliksik dito: https://doi.org/10.1371/journal.pbio.3000918.