Bulletin Board

USAPANG PUKI 2022: ANG MULING PAGTATANGHAL

25 March 2022

“Nasubukan mo na bang tingnan ang… ano mo?”

DILIMAN, Quezon City – Ngayong Buwan ng Kababaihan, muling itatanghal ng The UP Repertory Company ang dulang USAPANG PUKI sa darating na ika-30 ng Marso (7 N.G.) sa aming Facebook live.

Hango sa “The Vagina Monologues” ni Eve Ensler, una itong isinalin sa Filipino nina Joi Barrios LeBlanc, Glecy Atienza, at Luna Sicat Cleto. Ang USAPANG PUKI ay dalawang dekada nang itinatanghal ng iba’t ibang mga pangkat sa bansa, bitbit ang pakikibaka, pagdiriwang, at pagbawi ng kontrol sa pangangatawan ng mga kababaihan.

Ngayong 2022, nakipagtuwang ang The UP Repertory Company sa UP Diliman Gender Office upang likhain ang isang panibagong iterasyon ng dula, kung saan kabahagi din sa usapan ang komunidad ng LGBTQIA++. Gayundi’y nasa pinaghalong porma ito ng teatro at pelikula, isang hybrid na nakitaang mainam para sa mga manunuod sa espasyong online.

Sa direksyon ni Jasper Villasis at karagdagang mga sipi ni Gio Potes, itinatampok ng pagtatanghal sina Jaime Monserrat, Ligaya Marquez, Sarina Sasaki, Serena Magiliw, at Opaline Santos. Bahagi din ng pagtatanghal sina JM Villanueva (Pamamahala ng Marketing), Aldrich Gatbunton, Wea Alindogan, Alta Cervo (Pamamahala ng Publicity), Robe Dagcuta (Pamamahalang Teknikal), at Kuki Zinampan (Pamamahala ng Entablado).

Ang UP Repertory Company ay isang panteatrong pangkat ng mga mag-aaral mula sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman na naglalayong maipalaganap ang “Repleksyon ng Pangangailangan ng Nakararami” sa pamamagitan ng mga pagtatanghal sa anumang lunan. Mula 1972 nang itatag ni Prop. Behn Cervantes ang UP Rep ay walang maliw ang paglikha nito ng mga palabas na nakatuon sa danas at pakikibaka ng mga mamamayang Pilipino.

Ang pagtatanghal ng USAPANG PUKI ay bahagi lamang ng tanghalang nananatiling nakatindig laban sa kaapihan, at sa pagpapalaganap ng mga naratibong matagal nang itinatago at hindi pinapakinggan. Tunghayan ang USAPANG PUKI sa ika-30 ng Marso (7 N.G.) sa aming Facebook Live.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang The UP Repertory Company sa Facebook page (https://www.facebook.com/TheUPRepertoryCompany), Twitter at Instagram (@uprepertory).

– – – –

Inihahandog din ang pagtatanghal kasama ang PUP Gender & Development Office, The UPLB Microbiological Society, UPLB Sigma Theta Delta, LPU-B Psychology Association, at UP Halcyon.

Katuwang din sa pagtatanghal ang Mapúa University – Council of Presidents, SineDulaang Agustino, UP Literary Society, Kasarian Gender Studies Program UP Baguio, at Youth Voices Count.

Kabahagi din ang ating media partners UPLB Babaylan, UNESCO Club – UPLB, Open Table Metropolitan Community Church, Philippine Collegian, SINEGANG.ph, The Philippine Online Student Tambayan (The POST), UP Center for Women’s and Gender Studies, UP Le Club Français, Delta Pi Omicron, Center for Women’s Resources (CWR), UPD CMC FST Council, UP Business Management Society, & UPD CAL FST Council.

Pasasalamat din sa Mebuyen Studio at UrbanSoul Food Ventures Inc.

#DefendUP
#BuwanNgKababaihan2022
#WM2022
#OBRPhilippines
#OBR2022
#WomensMonth2022
#UPRep49OS