MULING BINUBUKSAN NG KOMISYON SA WIKANG FILIPINO (KWF) ANG APLIKASYON PARA SA ULIRANG GURO SA FILIPINO 2022
Ang Ulirang Guro sa Filipino ay taunang timpalak na ibinibigay ng KWF sa mga natatanging guro na nagpamalas ng husay at inisyatiba sa pagpapalaganap ng wikang Filipino at/o katutubong wika sa kani-kanilang komunidad.
Bukás ang timpalak sa lahat ng gurong nagtuturo gamit ang wikang Filipino at/o ibang katutubong wika bilang midyum ng pagtuturo sa anumang asignatura o disiplina, mula elementarya hanggang tersiyarya, maging sa mga Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK), maliban sa mga kawani ng KWF at kanilang mga kaanak hanggang ikalawang digri (degree).
Ang huling araw ng pagsusumite ng mga nominasyon/aplikasyon ay sa 1 Hunyo 2022.
Pormularyo ng Aplikasyon nasa https://bit.ly/UGFilipino2022
Tuntunin sa Paglahok at Template ng Curriculum Vitae nasa https://bit.ly/UlirangGuro2022