Bulletin Board

IKALAWANG TAUNANG TALASTASAN SA KASAYSAYAN AT PAMANANG RIZALEÑO SA AGOSTO 31

/ 19 August 2021

Inihahandog ng Lipunang Pangkasaysayan ng Morong (LIKAS Morong, Inc.- Museong Pambayan ng Morong), Katipunang Pangkasaysayan ng San Mateo Rizal, Inc., Pilang Munti: Samahang Kultural at Pang Kasaysayan ng Pililla, sa pakikipagtulungan ng National Historical Commission of the PhilippinesLocal Historical Committees Network, University of Rizal System, at Department of Education (DepEd)-Rizal, ang “Ikalawang Taunang Talastasan sa Kasaysayan at Pamanang Rizaleño” sa darating na Agosto 31, Martes, 8:00 n.u., via Zoom at Facebook Live.

“Tungo sa Panlalawigang Pagkakakilanlan: Pananaliksik, Pagtuturo, at Pagbibigkis ng mga Lokal na Samahang Pangkasaysayan” ang pamagat ng unang bahagi ng webinar na ihahatid ni Bb. May Arlene Torres, Division Chief ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office (PHACTO Bulacan).

Makakasama niya ang mga batikang gurong sina Dr. Jaime Veneracion (Departamento ng Kasaysayan, Unibersidad ng Pilipinas Diliman) at Dr. Corazon Laserna (Rizal Tourism Office) bilang reactors.

Samantala, sulyap naman sa kasaysayan ng mga bayan sa lalawigan ng Rizal ang tampok ng ikalawang bahagi sa pangunguna nina G. Marino Bacani (Antipolo), G. Allan Corrales (Cainta), G. Simeon Calderon, Jr. (Jalajala), Bb. Jomelyn Abuan (Montalban), G. Joshua Adolfo at G. John Kevin Pantaleon (Morong), at G. Jose Fernandez (Taytay).

Ineendorso ng Department of Education – CALABARZON ang naturang webinar kaya inaanyayahan ang mga guro at mag-aaral na magpatalâ sa https://bit.ly/RizalProvince-IkalawangTalastasan.

Bukás ito sa publiko at libreng makatatanggap ng e-sertipiko ang lahat ng mga magsisipagdalo.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang https://www.facebook.com/BuklodRizal/.