SCHOOL PRINCIPAL PINAGBABARIL
NASA kritikal na kondisyon ang isang school principal matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang papasok sa kanilang paaralan sa Midsayap, North Cotabato nitong Agosto 12.
Nakilala ang biktima na si Arlyn Alcebar, principal ng Agriculture Elementary School sa nasabing bayan.
Batay sa ulat ng Midsayap PNP, lulan ang biktima ng kanyang sasakyan at papasok sa bakuran ng paaralan nang lapitan siya ng dalawang suspek na nakasakay sa motorsiklo saka pinagbabaril.
Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang riding-in-tandem suspects at isinugod naman sa pagamutan ang biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at pinaghahanap ang dalawang salarin.