KLASE SA ILANG LUNGSOD SA METRO SUSPENDIDO DAHIL SA MATINDING INIT
SINUSPINDE ng ilang local government units sa Metro Manila ang klase kahapon, March 3, upang iiwas aa kapahamakan ang mga mag-aaral, guro at school workers bunsod ng matinding init ng panahon.
Kasunod ito ng pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na makapagtatala ng mataas na heat index o damang init sa ilang lugar sa Luzon.
Sa pagtaya ng PAGASA, papalo sa 46° ang heat index na nasa danger category at nangangahulugang magdudulot ng panganib sa kalusugan.
Kabilang sa nagsuspinde ng face-to-face classes ang Caloocan City sa public schools — kinder hanggang senior high school (asynchronous learning); Malabon City, public at private schools (modular distance learning); Valenzuela City – preschool hanggang senior high school (online synchronous o asynchronous learning).
Las Piñas City, all levels, public at private schools; La Salle Greenhills, preschool hanggang Grade 3 (asynchronous classes), Grade 4 hanggang 12 (synchronous classes; at Parañaque City, all levels, public at private schools (online classes o asynchronous classes).