Region

KLASE SA MGA ISKUL SA BULAN, SORSOGON SUSPENDIDO

/ 22 February 2025

SINUSPINDE ang klase sa mga paaralan sa ilang barangay sa Bulan, Sorsogon dahil sa malakas na ulan dulot ng shear line.

Nakaranas din ng malawakang pagbaha sa nasabing lugar at upang mabigyan ng proteksiyon ang mga mag-aaral at guro ay sinuspinde ang klase.

Sa ulat na nakarating sa The POST, binaha rin ang ilang lugar sa Camalig at Guinobatan, Albay  kahapon ang umaga kung saan ilang kalsada ang hindi madaanan makaraang abutin ng baha.

Samantala , dahil pa rin sa shear line, isang tulay sa  Benito Soliven,  Isabela ang hindi madaanan dahil sa pag-apaw ng tubig sa ilog.

Batay sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Benito Soliven, simula pa ng gabi ng Huwebes, February 20, ay hindi na madaanan ang Maluno Overflow Bridge dahil sa pagtaas ng tubig.

Ang tulay ang nag-uugnay sa  mga barangay ng  Yeban Sur at Maluno Sur sa nasabing bayan.