Nation

SATELLITE-BASED EDUCATION ISINUSULONG

/ 31 July 2020

KUMPIYANSA si House ways and means committee chairman at Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na mapabibilis ang pagpasa ng kanyang panukala para sa satellite-based education makaraang banggitin ito ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa multi-modal means of learning.

Ayon kay Salceda, noong Hunyo ay nagpadala siya kay Pangulong Duterte ng 112-pahinang report hinggil sa education strategies sa panahon ng Covid19.

“I thank him (Pres. Duterte) for boosting my Satellite-Based Technologies Act, or House Bill No. 7081, which would allow schools and other civic institutions to use satellite technologies for education and internet connectivity and which mandates the Department of Information and Communications Technology to secure our satellite orbital,” pahayag ni Salceda.

Sa ilalim ng panukala ni Salceda, mandato ng Department of Information and Communications Technology na i-regulate ang paggamit ng satellite-based technologies sa commercial telecommunications.

Nakasaad din sa panukala na papayagan ang Internet service providers at value-added services providers na magtayo ng sariling networks gamit ang satellite technology.

Sa pamamagitan nito, mas lalawak pa ang kompetisyon sa mga ISP na magreresulta sa mababang halaga subalit mas maayos na serbisyo.

Hinihikayat din sa panukala ang government organizations, public and non-profit private educational institutions, volunteer organizations para sa edukasyon, environmental management, climate change management at disaster preparedness and crisis na magkaroon ng sariling satellite-based technology para sa kanilang mga aktibidad.

“Satellite-based internet is also becoming more capable of delivering bandwidth similar to that of traditional, fiber-based systems. The specific requirements for connecting to satellite—setting up a hub and a network of so-called very small aperture terminals which could then be used to distribute bandwidth across end-users through cable or wi-fi —is ideal for public schools and community centers in remote or rural areas,” paliwanag ni Salceda.

Ang panukala ni Salceda ay nai-refer na sa House committee on information and communications technology sa ikalawang araw ng pagbabalik sesyon ng Kongreso.