Campus

RADIO-BASED INSTRUCTION GAGAMITIN SA BALUAN NHS

/ 4 March 2021

SUMABAK ang mga guro ng Baluan National High School sa General Santos City, South Cotabato sa orientation para sa radio-based instruction na gagamitin ng paaralan.

Tinalakay sa orientation kung paano makatutulong ang transreceiver radios sa patuloy na paghahatid ng edukasyon sa mga mag-aaral sa kabila ng pandemyang kinakaharap.

Kabilang sa mga dumalo sa orientation si BNHS Principal Jeremiah Mosquera.

Pinangunahan naman ng dating punung-guro ng BNHS na ngayo’y Principal In-Charge na ng North Fatima District na si Dr. Eddie Atay ang naturang orientation.

Siniguro ni Mosquera na hahanapan niya ng paraan upang maisakatuparan ang radio-based instruction sa kanilang paaralan.

Ayon kay Mosquera, malaki ang kanyang paniniwala, kasama ng kanyang mga guro, na isang malaking tulong ang modality na ito upang patuloy na makapaghatid ng dekalidad na serbisyo at makabuluhang kaalaman na maaaring gamitin ng mga kabataan sa darating na panahon.