Overtime

UAAP: KAPIT SA NO. 2 SPOT HIHIGPITAN NG LADY SPIKERS

PATATATAGIN ng Far Eastern University ang kapit sa fourth spot, gayundin ang defending champion La Salle sa No. 2 spot sa UAAP women's volleyball tournament ngayong Martes sa Smart Araneta Coliseum.

9 April 2024

Standings W L
*UST 9 1
*DLSU 8 1
*NU 8 2
FEU 5 4
Ateneo 3 7
UE 2 7
AdU 2 7
UP 1 9
*Final Four

Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
10 a.m. – AdU vs FEU (Men)
12 noon – DLSU vs UE (Men)
2 p.m. – AdU vs FEU (Women)
4 p.m. – DLSU vs UE (Women)

PATATATAGIN ng Far Eastern University ang kapit sa fourth spot, gayundin ang defending champion La Salle sa No. 2 spot sa UAAP women’s volleyball tournament ngayong Martes sa Smart Araneta Coliseum.

Magsasalpukan ang Lady Tamaraws at Adamson sa alas- 2 ng hapon, habang maghaharap ang Lady Spikers at Unversity of the East sa alas-4 ng hapon.

May 5-4 record, tangan ng FEU ang two-game lead kontra Ateneo (3-7) sa karera para sa nalalabing Final Four berth. Malaki rin ang agwat ng Lady Tamaraws sa Lady Warriors at Lady Falcons, kapwa may 2-6 records.

Samantala, ang La Salle ay may 8-1 marka, kalahating laro lamang ang angat sa third-running National University, na may 8-2.

Nangunguna pa rin ang University of Santo Tomas sa liga na may 9-1record.