OBIENA SINIKWAT ANG UNANG GOLD NG PH SA ASIAN GAMES
NAKOPO ni Filipino Olympian at pole vaulter EJ Obiena ang unang gold medal ng Pilipinas sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
NAKOPO ni Filipino Olympian at pole vaulter EJ Obiena ang unang gold medal ng Pilipinas sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
Dinomina ni Obiena ang pole vault finals kung saan mag-isa niyang na-clear ang 5.75-meter mark matapos ang dalawang pagtatangka.
Pagkatapos ay na-clear niya ang 5.90 meters sa isang attempt, na lalong nagsemento sa kanyang gold medal win.
Tinangka ni Obiena na ma-clear ang 6.02 meters subalit bigo siyang magawa ito.
Bago ang kanyang gold-clinching jump, na-clear ng pole vault world no. 2 na si Obiena ang 5.55 meters ng isang beses.
Inangkin nina Huang Bokai ng China at Hussain Asim Al Hizam ng Saudi Arabia ang silver at bronze, ayon sa pagkakasunod, sa 5.65 meters.
Sa kanyang nilundag ay binura ni Obiena ang Asian Games record na dating tangan ni Seito Yamamoto ng Japan sa 5.70 meters.
Kasalukuyang hawak ng Pinoy pole vaulter ang Asian record sa 6.0 meters.