NCAA: LADY KNIGHTS NAMAYANI SA LADY STAGS, SOSYO SA LIDERATO
Standings W-L Letran 7-2 CSB 7-2 Perpetual Help 7-2 Mapua 7-2 Arellano 6-3 San Sebastian 5-4 Lyceum 3-6 EAC 2-7 JRU 1-8 San Beda 0-9 SUMOSYO sa liderato ang
DINISPATSA ng Colegio de San Juan de Letran Lady Knights ang San Sebastian College Lady Stags, 28-26, 25-18, 24-26, 25-17, upang sumalo sa liderato sa NCAA Season 100 women’s volleyball tournament kahapon sa San Sebastian College Gym.
Patuloy ang maningas na laro ni Gia Maquilang sa kinamadang 20 puntos, kabilang ang 17 na atake, para mapiling Player of the Game para sa Lady Knights.
Umangat ang Lady Knights sa 7-2 kartada katabla ang College of St. Benilde Lady Blazers, University of Perpetual Help Lady Altas, at Mapua University Lady Cardinals.
Nahulog naman sa ikaanim na puwesto ang Lady Stags na may 5-4 marka sa pagtatapos ng unang round ng kompetisyon.
Sa men’s division, hindi nagpahuli ang Colegio de San Juan de Letran Knights matapos ang 25-18, 26-24, 25-21 straight set victory kontra San Sebastian College Golden Stags.
Nagposte si Vince Himzon ng 14 puntos, kabilang ang 10 na atake, para iangat ang Knights sa ikatlong puwesto sa kanilang 6-3 rekord. Nahulog ang Golden Stags sa 1-8 marka.
Natakasan naman ng Arellano University Chiefs (6-3) ang Emilio Aguinaldo College Generals (3-6), 25-19, 20-25, 25-23, 25-16. Tumapos si Arman Guinto na may 16 puntos at 15 excellent receptions para sa Arellano.