Letters of Youth

GINAWANG KATAD

/ 3 March 2021

Napakasakit ng aking nadatnan

Isang pangitaing totoo sa aking natutunan

Dalamhati ng preso at nangungutyang mata

Puno ng kaluwalhatian at luting na yapak

 

Nakagulantang ang katotohanan sa mga ulap

Mga tala’y kumikislap sa bawat pagsulyap

Nakasisilaw ang yaman na ‘kay tagal nang inaasam

Ngunit sa sandaling malimit isinarado ang pangarap na hangad

 

Isang paslit na punong-puno ng kaisipang panaginip at pangarap

Langhap ang bawat imahe ng kinabukasang lantay

Ngunit sa lunsaran ng kaniyang mga gawain na pumapalupot sa layunin

Tila ginawang katad na walang kamalay-malay, siyang himukin!