Region

TESDA REGIONAL TVET INNOVATION CENTER BINUKSAN SA REGION 9

/ 10 February 2025

INANUNSIYO ng Technical Education and Skills Development Authority ang pagbubukas ng kanilang Regional TVET Innovation Center sa Kabasalan, Zamboanga Sibugay.

Sinabi ni TESDA Region 9 Regional Director Tarhata S. Mapandi, CESO III na maraming aasahang kaalaman sa bagong pasilidad nila para sa kursong teknikal na mapakikinabangan para makakuha ng hanapbuhay ang mag-e-enrol.

Inilapit ang pasidad sa nasabing lalawigan para sa mga residente roon upang mapasigla ang labor force

Para sa mga scholarship program, pinayuhan ng TESDA ang mga interesado  na makipag-ugnayan sa TESDA Office sa Quezon City.

Malalaman sa kanilang tanggapan kung ano-anong lugar mayroong pasilidad para mag-enrol sa mga kursong teknikal ng TESDA.