Region

SCHOOL PRINCIPAL TINAMBANGAN SA MAGUINDANAO DEL SUR

/ 24 January 2024

ISANG public school principal ang nasawi makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek noong January 22 sa Barangay Manungkaling, Mamasapano, Maguindanao del Sur.

Sa ulat ng Mamasano Police, nakilala ang biktima na si Mamadatu Dalandas, principal ng Datu Tecson Elementary School na matatagpuan sa Sultan sa Barongis.

Minamanehonng biktima ang kanyang motorsiklo patungo sa paaralan nang paulanan siya ng bala ng hindi nakilalang mga kalalakihan.

Si Dalandas ang ikalawang school official na nasawi sa pananambang sa loob lamang ng dalawang buwan sa lugar.

Ipinag-utos ni Bangsamoro Autonomous Region Police Director Brig. Gen. Allan nobleza na tutukan ang pag-iimbestiga sa kaso.