Region

SCHOOL PRINCIPAL PATAY SA GUN ATTACK

/ 25 January 2023

DEAD on the spot ang isang ethnic school principal nang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga salarin sa Sultan sa Barongis, Maguindanao del Sur nitong Enero 23.

Ayon kay Police Brigadier General John Guyguyon, director ng Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, nakilala ang biktima na si Benjie Maon, principal ng Mileb Elementary School sa munisipalidad ng Radjah Buayan.

Sugatan naman sa pamamaril ang 5-anyos na anak na lalaki ni Maon at 7-anyos na pamangking lalaki.

Ang mga biktima ay inatake ng mga salarin saka pinagbabaril sa Sitio Nadal sa Barangay Barurao.

Agad namatay ang ethnic Maguindanaon principal bunsod ng tama ng bala sa maseselang bahagi ng katawan habang nagtamo rin ng sugat ang anak at pamangkin nito na naisugod sa ospital.