Region

PINAKAMALAKING REGIONAL OFFICE NG CHED ITATAYO SA LEYTE

/ 27 August 2023

ITATAYO sa Government Center sa Palo, Leyte ang pinakamalaking regional office ng Commission on Higher Education.

Ayon kay CHED Regional Director Maximo Aljibe, agad magsisimula ang proseso matapos ang pagpapalabas ng special allotment release order para sa proyekto.

“This is going to be the biggest CHED regional office building in the country. Each floor of the three-story building will have an area of 900 meters,” ani Aljibe.

Aniya, itinulak ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ng Tingog Partylist ang pagpopondo sa proyekto.

Inaasahan ng opisyal na matatapos ang pagtatayo ng bagong gusali sa loob ng dalawang taon.

Kasalukuyang nasa Eastern Visayas sa loob ng Eastern Visayas State University campus ang CHED.