Region

PERSON OF INTEREST SA PAGPATAY SA ARCHITECTURE STUDENT HINAHANAP NA NG PNP

/ 4 July 2023

IKINASA na ng Philippine National Police ang massive manhunt laban sa person of interest sa kaso ng pagpatay sa architecture student na si Eden Joy Villacete.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, isang lalaki ang nakita sa closed-circuit television na naglalakad noong madaling araw ng Miyerkoles malapit sa apartment ng biktima.

Hindi muna pinangalanan ni Fajardo ang person of interest hangga’t hindi nila ito natatagpuan.

Sa ngayon, nag-alok na ng pabuya ang lokal na pamahalaan ng San Jose, Occidental Mindoro para sa makapagtuturo sa pumatay kay Villacete.

Umaasa naman si Fajardo na sa pamamagitan nito ay bibilis ang paghuli sa nasa likod ng krimen.

Matatandaang si Villacete ay natagpuang patay, walang damit at may anim na saksak sa iba’t ibang parte ng katawan sa loob ng inuupahang apartment noong Biyernes ng umaga.