Region

NESTLE MULING NAMAHAGI NG P. E. KITS SA DEPED GENSAN

/ 25 March 2021

BILANG patuloy na pagsuporta sa edukasyon, muling namahagi ang Nestle Philippines ng 40,000 P. E. kits sa DepEd-General Santos City.

Ang P. E. kits ay naglalaman ng tatlong Milo sachets bawat kit o 120,000 Milo sachets ang natanggap ng SDO GenSan.

Bahagi pa rin ito ng Nestle for Healthier Kids campaign ng kompanya na naglalayong matulungan ang mga kabataan para sa isang malusog at aktibong buhay.

Kasabay itong ibingay sa distribusyon ng modules at Learning Action Sheets para sa Quarter 3.

Ayon kay Milo Sports regional coordinator Joy Abegail Estais, patuloy na magbibigay ng suporta ang Nestle Philippines upang patuloy ring maturuan ang mga mag-aaral tungkol sa healthy lifestyle.

Muling ring nagpaabot ng pasasalamat si SDS Rommel G. Flores, CESO V, sa Nestle Philippines sa patuloy nitong suporta sa dibisyon.