Region

NAGPAKAMATAY SI SIR? TUMALON SA GUSALING PINAPASUKANG ISKUL

PATULOY ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung ano ang nagtulak sa isang guro para wakasan ang buhay at doon pa mismo sa rooftop ng gusali ng paaralan na kanyang pinapasukan tumalon, kamakalawa ng hapon sa panulukan ng Abejuela at Corrales Streets, Cagayan de Oro.

/ 9 January 2021

Sa sketchy report ng D.V. Soria Police Station, dead on the spot ang biktimang si  Ian Oreg, 35, ng Scions, Kauswagan, Cagayan de Oro, makaraang tumalon umano mula sa rooftop ng gusali ng eskuwelahang pinapasukan.

Si Oreg ay guro sa Asia Business Cooperative Academy.

Sinabi ni Police Senior Master Sergeant Robin Galleor, imbestigador ng D.V. Soria Police Station, na batay sa salaysay ng mga kasamahan ng biktima sa bahay at sa akademya, bago pa man ang insidente ay napansin nila na kakaiba ang kinikilos nito.

Nakita na lamang ang biktima na wala nang buhay sa pinagbagsakan nito mula sa 50 talampakan na gusali.

Nagdadalamhati ang mga kasamahang guro sa pagpanaw ni Oreg habang aminado ang pulisya na wala pa silang lead kung ano ang bumagabag sa biktima para wakasan ang buhay.