Region

KONSTRUKSIYON NG 500 KLASRUM SA SOUTH COTABATO KASADO NA

/ 2 February 2023

PARA sa pagpapatuloy ng maayos na kapaligiran sa mga paaralan, inaasahang ikakasa na ang konstruksiyon ng mahigit 500 silid-aralan sa mga public school sa South Cotabato.

Ayon kay SC Governor Reynaldo Tamayo Jr., ngayong unang quarter ay sisimulan ang konstruksiyon at hinihintay na lamang na matanggap ang P100 million na donasyon ng Melco Resorts Foundation Corporation para sa pagpapatayo ng mga silid-aralan sa mga public elementary at secondary school.

Ayon sa gobernador, may natukoy na silang mga paaralan na mayroong classroom shortage at pawang mga make-shift lamang ang silid-aralan

Sa pamamagitan nito, inaasahang mapupunan ang kakulangan ng mga klasrum sa South Cotabato, lalo na sa mga malalayong barangay.