Region

KLASE SA VISMIN SUSPENDIDO DAHIL SA LPA, SHEAR LINE

/ 12 January 2023

IDINEKLARA ang class suspension sa iba’t ibang lugar sa Visayas at Mindanao dahil sa pananalasa ng low pressure area at shear line.

Sa ulat na nakarating sa The POST, walang pasok ang mga estudyante, guro at school personnel sa mga paraalan na nasa Masbate, Masbate City, Mobo, PIO V. Corpus, Samar, Daram, Misamis Oriental, Magsaysay, Northern Samar Province, Zamboanga Peninsula at Zamboanga City.

Kanselado rin ang pasok ng mga estudyante sa piling antas sa Basilan at Lamitan City, partikular sa pre-school hanggang senior high school.

Una nang sinabi ng PAGASA na maaari pa ring makaranas ng maulap na kalangitan at pag-ulan ang Bicol Region, Visayas, at Mindanao sa gitna ng pinagsamang epekto ng shear line at LPA.