Region

KLASE SA ISANG BAYAN SA BATANGAS SUSPENDIDO PA RIN DAHIL SA SMOG

/ 2 October 2023

DAHIL sa patuloy na pagbuga ng volcanic sulfur dioxide gas ng Taal Volcano, suspendido pa rin ang in-person classes sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Tuy sa lalawigan ng Batangas ngayong Lunes, Oktubre 2.

Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at guro.

Inilabas ni Mayor Jose Jecerell Cerrado ang Executive Order 2013-013 kung saan nakasaad dito ang suspensiyon ng klase.

Inatasan din niya ang publiko na magsuot ng face mask.

“Moreover, the public is still hereby ordered to observe health protocol specifically wearing face masks in public places,” anang alkalde.

Ang klase sa mga paaralan sa Tuy ay nagsasagawa ng distance mode of learning mula pa noong Setyembre 25.