Region

KENNON ROAD BUBUKSAN SA PMA ALUMNI HOMECOMING ATTENDEES

/ 9 February 2021

PANSAMANTALANG bubuksan ang 33.53 kilometer Kennon Road na nagkokonekta sa La Union at Benguet upang mabilis na makaakyat ng Baguio City ang mga limitadong dadalo sa 2021 Philippine Military Academy Homecoming.

Gaganapin ang taunang PMA event sa Pebrero 12 at 13 na isang hybrid o may limitadong participants na 350 habang 800 ang sa virtual o Zoom.

Samantala, sa advisory mula sa Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council, tanging ang PMA alumni o active and retired military/police officers na lalahok sa PMA homecoming ang padadaanin sa nasabing kalsada.

Gayunman ay pahihintulutan din umano maging ang mga residente ng Baguio City at Tuba, Benguet na dumaan sa nasabing kalsada ngayong linggo.

Ang Kennon Road ay isinara sa mga motorista dahil sa ongoing rehabilitation projects.

Sinabi ni Albert Mogol, RDRRMC chair at Cordillera director ng Office of Civil Defense, na una nang nag-requeat ang PMA na magamit para sa kanilang alumni homecoming ang pamosong zigzag road mula ala-6 ng umaga hanggang alas-12 ng hatinggabi ng Pebrero 13.