Region

GURO NA NAGPAHIRAM NG SAPATOS SA ESTUDYANTE TRENDING PA RIN

/ 6 July 2022

PATULOY na pinag-uusapan ng mga netizen ang guro na nagpahiram ng sapatos sa kanyang grumadweyt na estudyante sa Zamboanga City.

Napansin ng guro na si Christian Carpio ang suot na sapatos ni Rey Paul Daval na balot ng scotch tape na nangangahulugang masaya itong magtatapos lalo na’t face-face ang seremonya makaraan ang dalawang taon.

Kaya agad hinubad ng guo ang sariling sapatos saka ipinasuot kay Daval bago ito pumanhik  sa entablado.

Batay sa  ulat, nakapila na paakyat ng stage ang naka-toga na estudyanteng si Daval sa kanilang paaralan nang mapansin ito ni Carpio.

Ayon sa guro, alam niya kasi ang  nararamdaman ng estudyante dahil hindi rin kagandahan ang sapatos niya noong nag-aaral pa siya.

Pagkatapos ng graduation, hindi na ipinasauli ng guro ang ipinahiram na sapatos at ipinauwi na lamang sa estudyante bilang graduation gift.