Region

GRADUATING STUDENT NATAGPUANG PATAY

/ 28 March 2023

ISANG graduating student ang natagpuang walang buhay sa gilid ng kalsada sa Zone 2 Brgy. Cabaluay, Zamboanga City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jaesfert Francisco, 24, nakatira sa Manicahan Poso, na may tama ng bala sa katawan na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Nasa tatlong metro lamang ang layo mula sa bangkay ng binata, narekober ang kanyang motorsiklo at ang isang empty shell para sa calibre 45.

Agad na nagsagawa ng malalim na imbestigasyon ang Zamboanga City para matukoy ang identity ng suspect at motibo sa pagpaslang sa biktima.

Ang biktima ay magtatapos sana sa kursong BS Electronics sa Zamboanga Peninsula Polytechnic State University sa lungsod sa Hunyo, 2023.