Region

GRADE 10 STUDENT PATAY SA HAZING SA NEGROS OCCIDENTAL

/ 15 September 2021

ISANG Grade 10 student ang nasawi dahil sa hazing sa San Enrique, Negros Occidental.

Ayon sa pamilya ng hindi pinangalanang biktima, nagdiwang pa ito ng kanyang ika-18 kaarawan noong Setyembre 4 kasama ang kanyang mga kaibigan at sinasabing nakipag-inuman ito.

Pag-uwi sa bahay ay dumaraing na umano sng biktima na masakit ang katawan na nagtagal ng ilang araw hanggang mamatay ito.

Sa pagsusuri, nagtamo ng maraming sugat sa katawan ang biktima na pinaniniwalaang sanhi ng kanyang kamatayan.

Inamin din ng mga magulang ng biktima na noong Marso ay sumanib sa fraternity ang anak subalit hindi isinailalim sa initiation rite dahil minor pa ito noon.

Tinugis ng San Enroique Municipal Police ang tatlong suspek subalit iginiit na wala silang kinalaman sa sinapit ng biktima.