Region

ESTUDYANTE, GURO SA CATANDUANES NAGPOSITIBO SA COVID19

/ 24 December 2020

NAGPOSITIBO sa Covid19 ang isang estudyante at isang guro sa Virac, Catanduanes noong nakaraang linggo.

Ayon sa ulat, ang estudyante ay binatilyong may edad 19. Nagsimula siyang makaramdam ng sintomas noong Disyembre 13 at kasalukuyang nakakuwarentena sa Bicol Medical Center. Ang guro naman ay isang babaeng may edad 26.

Ang guro at ang estudyante ay kapwa residente ng Calatagan Proper sa Virac, Catanduanes.

Mayroon nang 4,466 kaso ng Covid19 sa Rehiyon ng Bicol. Sa huling update nitong Disyembre 21 ay 3,976 na ang nakarekober at 130 ang nasawi.

Bagaman relatibong mababa ang kaso sa Bicol kumpara sa ibang bahagi ng Filipinas ay pinag- iingat pa rin sila sa posibilidad na magkaroon ng ‘second wave’ lalo ngayong panahon ng kapaskuhan.