Region

CLASS OPENING SA 3 BRGY SA AURORA PINIGIL NG COVID19

/ 14 September 2021

NAUDLOT ang pagbubukas ng klase sa tatlong barangay sa bayan ng Dinalungan sa Aurora.

Ito ay nang mahagip ng 10-day localized lockdown ang naturang mga barangay makaraang makapagtala ng Covid19 cases doon.

Sa resolusyon ng pamahalaang lokal ng Dinalungan alinsunod sa EO No. 2021-052, epektibo alas-12:01 ng madaling araw ng Setyembre 10 ay isasailalim sa localized lockdown ang Barangays Poblacion Zone I, Poblacion Zone II at Dibaraybay.

Magtatagal ang lockdown hanggang Setyembre 19.

Suspendido rin ang pamamahagi ng module ng mga guro subalit tuloy ang paggawa ng lesson plan ng mga guro na naka-work from home.

Nanawagan naman ang school superintendent sa mga guro at magulang na paghandaan ang pagbubukas ng klase habang nasa bahay at huwag nang lumabas upang makaiwas sa Covid19.