Region

CASH INCENTIVE SA ONE CAINTA COLLEGE STUDENTS

/ 29 December 2020

INANUNSIYO ni Cainta, Rizal Mayor Kit Nieto na namahagi na sila ng cash incentive sa mga mag-aaral ng One Cainta College, na nasa ilalim ng pamamahala ng lokal na pamahalaan.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Nieto na nakatanggap na ng cash incentive ang mga estudyante ng nasabing pamatansan simula pa noong nakaraang linggo, subalit hindi nabanggit ng alkalde kung magkano ang natanggap ng bawat estudyante.

“Cash incentive sa mga estudyante natin sa One Cainta College, ibinigay ko na. Mag-aral lang kayo, gobyerno bahala sa pang araw-araw ninyo,” sabi ni Nieto.

Ayon sa alkalde, bukod sa libreng matrikula, may allowance pa ang mga estudyante ng nasabing pamantasan para wala nang aalalahanin pa.

“Libre lahat sa kolehiyo natin… tapos ito allowance para ‘di kayo ma-distract,” wika ni Nieto.

“’Yun kasi ang paraan para masiguro na walang dahilang pinansiyal para ‘di kayo makatapos… hihintayin ko graduation ninyo,” dagdag pa ng alkalde.