Region

CAMP DEVELOPMENT PLAN SA PNPA KASADO NA

/ 5 January 2023

GO signal na lang ang kailangan para sa implementasyon ng massive infrastructure development sa Philippine National Police Academy sa Camp General Castaneda, Silang, Cavite.

Sinabi ni PMaj. Gen. Eric Noble, direktor ng PNPA, na nakalatag na ang plano para sa massive infrastructure development ng akademiya.

Aniya, base na rin ito sa kanilang camp development masterplan

Napagkasunduan na ang target sa bawat taon ay mayroong ma-inaugurate at magkaroon din ng ground breaking sa kanilang panig.

Nabatid na nasa mahigit P1 billion na project ang itinatayo sa PNPA na naumpisahan noong nakaraang Agosto 2022 matapos mabimbin dahil sa Covid19 pandemic.

Kabilang din sa master development plan ang pagpapatayo ng ospital, gymnasium, motor pool pati na ang bagong cadet battalion area at palitada sa mga daan sa akademya.