Region

BAHAGI NG ISKUL SA IFUGAO GUMUHO

/ 21 March 2021

MALAKING bahagi ng Kinakin Elementary School sa Banaue, Ifugao ang gumuho noong Biyernes kung saan isang sasakyan ang iniulat na nahulog sa bangin.

Sa report ng Banaue PNP, posibleng gumuho ang lupa matapos na lumambot ang pundasyon nito dahil sa patuloy na pag-ulan na nararanasan sa lugar.

Wala namang iniulat na nasaktan o namatay sa insidente.

Ayon sa PTV Cordillera, nilagyan ng retaining wall ang lugar ngunit nakitaan ito ng bitak, ilang buwan matapos ang proyekto.

Humingi naman ng saklolo ang mga residente na nakatira malapit sa lugar na agad na nirespondehan ng mga awtoridaf.