Region

6 ESTUDYANTE SUGATAN SA PAGSABOG NG ETHYL ALCOHOL

/ 17 June 2023

SUGATAN ang anim na estudyante makaraang aksidenteng masindihan ng kanilang kaklase ang isang bote ng ethyl alcohol sa loob ng kanilang silid-aralan sa Capoocan, Leyte nitong Huwebes.

Ang mga biktima na pawang Grade 6 students ng Capoocan Central School ay isinugod sa Carigara District Hospital.

Batay sa ulat ng PNP, isang estudyante ang nag-refill ng alcohol sa isang bote na nasa mesa ng kanilang guro nang isa sa mga kaklase ang bigla na lamang nagsindi ng lighter na naging sanhi ng pagsabog.

Ang insidente ay naganap habang ang guro ng mga bata ay nasa labas at kinakausap ng mga opisyal ng DepEd.