Region

4 ESTUDYANTE PINARANGALAN NG NAGA LGU

/ 14 August 2021

APAT na estudyante mula sa Naga City, Camarines Norte ang pinarangalan ng lokal na pamahalaan kasunod ng kanilang pagwawagi sa international competitions.

Binigyang-pagkilala ng Naga City local government ang mga estudyante mula sa Blessed Lights International Christian Academy sa pagkapanalo sa Math at Science competitions.

Si Kezia Cherisse T. Sandejo, Grade 3, ay nanalo ng Silver Award sa Singapore & Asian Schools Math Olympiad.

Nasungkit din ni John Erick B. Ojeda, Grade 4, ang Silver Award sa 2021 Vanda International Science Competition.

Samantala, sina Willary A. Abriol at Niña Celestine T. Savilla, Grade 3 students, ay nanalo ng Bronze Award sa 2021 Vanda International Science Competition.