Region

2 ISKUL SA MINDANAO NA GAGAMITIN BILANG BSKE PRECINCTS NASUNOG

DALAWANG araw bago ang barangay and Sangguniang Kabataan elections ay nasunog ang dalawang paaralan na gagamitin bilang polling precincts sa magkahiwalay na lalawigan sa Mindanao.

/ 29 October 2023

DALAWANG araw bago ang barangay and Sangguniang Kabataan elections ay nasunog ang dalawang paaralan na gagamitin bilang polling precincts sa magkahiwalay na lalawigan sa Mindanao.

Sinabi ni Commission on Elections Chairman George Garcia na nasunog ang Ruminimbang Elementary School sa Barangay Ruminimbang, Barira, Maguindanao del Norte dakong ala-1:50 ng umaga.

Natupok ang mga silid-aralan ng Grade 1 hanggang Grade 4 habang wala namang nasaktan o nasawi sa insidente.

Alas-2 ng madaling araw naman nang masunog ang Poona Piagapo Central Elementary School sa Old Poblacion, Poona Piagapo, Lanao Del Norte.

Batay sa mga awtoridad, wala nang mapakikinabangan sa mga nasunog na silid-aralan

Nilinaw naman ni Garcia na ang actual voting center na gagamitin sa BSKE ay hindi naman apektado.

Wala pang resulta ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa nangyaring mga sunog.