Nation

USAID NAGLUNSAD NG P283-M PROYEKTONG PANG-EDUKASYON

INILUNSAD ng United States Agency for International Development ang P283 milyong proyekto na susuporta sa Department of Education sa pagpapahusay ng kalidad ng edukasyon sa bansa. 

/ 2 September 2023

INILUNSAD ng United States Agency for International Development ang P283 milyong proyekto na susuporta sa Department of Education sa pagpapahusay ng kalidad ng edukasyon sa bansa.

Ang 5-year project na may titulong “Improving Learning Outcomes for the Philippines” o “ILO-Ph” ay tutulong sa DepEd sa pagdisenyo, pagpapatupad, at pag-evaluate ng lahat ng mga programang pang-edukasyon mula early childhood education hanggang workforce development.

Ito ay sa pamamagitan ng on-demand technical assistance, regular na konsultasyon, at pagsasanay sa pagpapahusay ng strategic communications at data analysis systems, na ipagkakaloob ng ILO-Ph sa DepEd.

Sinabi ni USAID Philippines Deputy Education Director Yvette Malcioln na ang proyekto ay bahagi ng commitment ng pamahalaan ng Estados Unidos na makipagtulungan sa local partners upang gawing ‘accessible’ sa lahat ang dekalidad na edukasyon bilang kaibigan, partner, at kaalyado.

Sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa kanyang mensahe na binasa ni DepEd Assistant Secretary G.H. Ambat na ang proyekto ay malaking tulong sa pagsusulong ng “MATATAG: Bansang Makabata, Batang Makabansa” agenda ng DepEd.