Nation

SEAL OF GOOD EDUCATION GOVERNANCE MULING NASUNGKIT NG VALENZUELA

/ 31 March 2021

SA IKAAPAT na sunod na pagkakataon ay muling iginawad sa Valenzuela City ang Seal of Good Education Governance sa dalawang araw na virtual ceremony ng 14th Washington SyCip National Education Summit noong Marso 25-26, 2021.

Ngayong taon, ang tema ng pagpili ay “Learning from Our Best to Defy Gravity”, at sa gabay ni Mayor Rex Gatchalian ay muling nasungkit ng lokal na pamahalaan ang prestihiyosong parangal.

Ang 14th summit na pinangasiwaan din ng alkalde ay nagbahagi kung paano ang pamamalakad sa edukasyon para maging epektibo ang inilalatag na gabay ng local government unit, gayundin ang pagbalangkas ng polisiya para magtagumpay sa mga hamon sa pamamagitan ng paglikha ng education programs sa lungsod.

“In defying gravity, it is not just the children that must defy gravity. I really believe that policy makers like us must try to defy gravity by shaking up the status quo… Defying gravity does not happen overnight but it has to start somewhere,” ayon sa alkalde.

Ang education setting ng bansa ay nakapokus sa mga infrastructure development at hamon sa academe ang mga disengaged parent, non-consultative local school board, pag-upgrade sa curriculum at kakulalangan ng holistic at systemic approach para resolbahin ang education issues.

Kaya naman nakatugon sa nasabing hamon ang Valenzuela City sa kanilang pinalakas na Education 360 Degrees Investment Program, dahilan para mabawasan ang mga estudyanteng hirap makabasa o tumaas ang bilang ng mga estudyanteng nasa Grade 3 hanggang Grade 6.

Sa datos, nasa 15,842 ang non-readers o frustrated level noong 2014 at pagsapit noong 2016, lumiit ang numero sa 6,375.