Nation

PUBLIC SCHOOLS SA PASIG TARGET GAWING VACCINATION CENTERS

/ 27 January 2021

PINAG-AARALAN ni Pasig City Mayor Vico Sotto na gawing Covid19 vaccination center ang mga pampublikong paaralan sa lungsod.

Naniniwala ang alkalde na magandang lugar ang mga paaralan para isagawa ang pagpapabakuna.

“May bentilasyon, masusunod ang physical distancing, at ang iba pang health protocols kapag isinagawa sa mga pampublikong paaralan ang pagpapabakuna,” sabi ni Sotto.

Ipagpapaalam naman ng alkalde ang paggamit ng mga pampublikong paaralan bilang vaccination centers sa Department of Education.

Samantala, sinabi ng lokal na pamahalaan na hindi naman sapilitan ang pagpapabakuna ngunit hinihikayat ang mga residente na kung may pagkakataon ay magpabakuna na.

Tiniyak din ni Sotto na ang mga naaprubahang bakuna ay ligtas at mabisa. NICE CELARIO