Nation

P500 CASH SA PASIG STUDENTS: “KAHIT NA PURO 75 ANG GRADO BASTA WALANG BAGSAK”

INANUNSIYO ni Pasig City Mayor Vico Sotto na makatatanggap ang mga estudyante sa lungsod ng P500 kada buwan kahit puro 75 ang grade basta walang bagsak.

/ 6 November 2020

INANUNSIYO ni Pasig City Mayor Vico Sotto na makatatanggap ang mga estudyante sa lungsod ng P500 kada buwan kahit puro 75 ang grade basta walang bagsak.

Sa isang post sa Twitter, sinabi ni Sotto na maaaring mag-apply ang mga mag-aaral sa CHIP-IN scholarship ng lungsod para makatanggap ng naturang insentibo.

“Para sa mga ‘di umaabot sa grade requirements, puwedeng mag-apply sa CHIP-IN. 500/month din ito, kahit puro 75 basta walang bagsak,” sabi ni Sotto.

Dagdag pa ni Sotto, ito ay para sa mga estudyante na masisipag subalit hindi masyadong makapagpokus sa pag-aaral dahil may trabaho at tumutulong sa kanilang tahanan.

“May mga iba masisipag pero nag-aalaga ng magulang/kamag-anak,  may trabaho, o ‘di ganoon kagaling sa academics. Deserving din sila,” sabi pa ng alkalde.

Sinai pa ni Sotto na may kabuuang 18,000 benepisyaryo ang Pasig City Scholarship Program.