Nation

LICENSURE EXAMS PARA SA REGISTERED ELECTRICAL ENGINEERS, MASTER ELECTRICIANS INIURONG

/ 28 February 2021

INIURONG na rin ng Professional Regulation Commission ang licensure examinations para sa registered electrical engineers at master electricians sa Setyembre 2021.

Mula Abril 20 at 21, 2021 ay isasagawa ang examinations sa Setyember 5-7, 2021.

Ayon sa PRC, ito ay dahil sa Covid19 restrictions.

Pahahabain din ang aplikasyon mula Hunyo 4 hanggang Agosto 4 para sa mechanical engineers at hanggang Agosto 6 para sa master electricians.

Nauna na ring ipinagpaliban ng PRC ang licensure examination para sa midwifery.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring magpadala ng email sa Licensure Division sa [email protected]  at [email protected]