49 ANAK NG EX-4PS BENEFICIARIES TOPNOTCHERS SA BOARD EXAMS
IKINAGALAK ng Department of Social Welfare and Development ang pagiging topnotcher sa board exams ng mga anak ng mga dating natulungan ng ahensiya na 4Ps beneficiaries.
Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, sa katatapos lamang na March 2024 Licensure Examination for Teachers (LET) ay isang dating 4Ps monitored child ang nakakuha ng top spot.
Mula 2018 hanggang sa kasalukuyan, kabuuang 49 mga anak ng dating 4Ps beneficiaries ang nakasungkit ng pinakamataas na iskor sa iba’t ibang
board examinations.
Dagdag pa ni Dumlao, mahigit 32,000 anak ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps beneficiaries ang matagumpay na nakakumpleto ng kanilang Tertiary Education mula 2016 hanggang April 30 ngayong taon.
Aniya, 82 dito ay nagtapos na magna cum laude, 1,135 ang cum laude, at 132 ang nakatanggap ng special distinctions.
Paliwanag pa ni Dumlao na mahigit 6,000 graduates ang mayroon nang lisensiya bilang teachers, engineers, architects, at midwives.