MGA KORAP SA BOC WAWALISIN NI KA LEODY
TITIYAKIN ni labor leader at presidential aspirant Leody de Guzman na mawawala na ang korupsiyon sa Bureau of Customs (BOC) sa sandaling mahalal siya bilang pangulo sa 2022 elections.
/ 4 December 2021
TITIYAKIN ni labor leader at presidential aspirant Leody de Guzman na mawawala na ang korupsiyon sa Bureau of Customs (BOC) sa sandaling mahalal siya bilang pangulo sa 2022 elections.
“Ang laki ng perang nawawala sa gobyerno dahil sa kurakot diyan sa loob ng Custom,” sabi ni De Guzman.
“‘Yang Customs ang isa sa pinakakorap na ahensiya ng ating pamahalaan. Doon pa naman nanggagaling ‘yung perang dapat napapakinabangan ng bayan,” pagbibigay-diin ng labor leader.
Patuloy naman ang adbokasiya niya na unahin ang mga manggagawa.
Ayon kay De Guzman, isusulong niya ang mga proyekto para sa mga mangingisda at magsasaka.