UST BINUKSAN ANG CAMPUS SA MINDANAO
BINUKSAN ng University of Santo Tomas ang unang campus nito sa Mindanao.
Pinangunahan nina Bishop Cerilo Alan Casicas ng Marbel at Dominican Prior Provincial Fr. Filemon dela Cruz Jr. ang inagurasyon sa 82-hectare campus sa General Santos City nitong Abril 11.
Sa ulat na naka-post sa website ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, alok ng naturang unibersidad ang mga kursong health sciences, business and accountancy, at engineering and information technology para sa inaasahang initial 500 enrollees.
Una nang sinabi ni UST Rector Fr. Richard Ang na ang Mindanao campus sa General Santss City ay isang “educational center” sa rehiyon.
Ang pitong palapag na gusali na paaralan ay kayang mag-accommodate ng 5,000 estudyane at ang disensyo nito ay isinunod sa UST main campus sa Sampaloc, Maynila.