Bulletin Board

SELYO NG KAHUSAYAN SA SERBISYO PUBLIKO 2021: BUKAS NA SA MGA LAHOK!

8 March 2021

Ang KWF Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko ay timpalak at parangal para sa mga ahensiya at lokal na yunit ng pamahalaan na sumunod sa implementasyon ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 o EO 335 at nagpamalas ng kahusayan sa paggamit ng Filipino bilang wika ng serbisyo publiko. Sa taóng 2021, bibigyang tuon ng timpalak ang paggamit ng Filipino sa social media platforms ng mga ahensiya/lokal na yunit ng pamahalaan sa panahon ng pandemya.

Bukás ang timpalak sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, ahensiya, instrumentaliti, at lokal na yunit ng pamahalaan. Ipadala ang liham sa o bago ang 15 Mayo 2021. Ang mga dokumento o anumang patunay ng paggamit ng wikang Filipino ay tatanggapin hanggang 30 Mayo 2021.

Basahin ang kompletong tuntunin sa link na ito: https://kwf.gov.ph/selyo-ng-kahusayan-sa-serbisyo…/