SCHOLARSHIP SA FRANCE ALOK SA MGA PINOY
Inanunsyo ng French Embassy sa Maynila na magkakaroon ng scholarship sa mga Pilipinong nais kumuha ng master’s o doctoral degrees sa France.
Sa isang pahayag, sinabi ng French Embassy na maaaring kumuha ang mga Filipino scientists at researchers sa ilalim ng Department of Science and Technology Science Education Institute.
Prayoridad ng PhilFrance-DOST Scholarship program ang mga estudyanteng nais kumuha ng agriculture, biological sciences, climate change, forestry, health and medical research, material sciences, natural resources and environment, nuclear application on health at veterinary sciences.
Kasama sa scholarship ang libreng round-ticket sa Maynila at France, registration fees, visa application fees, monthly living allowance at mga pre-travel expenses.
Obligado namang bumalik ang mga scholar sa Pilipinas pagkatapos nilang mag-aral sa France.
Ayon din dito, ang mabibigyan ng scholarship ay ang mga highly-qualified candidates.
“Highly-qualified candidates who have demonstrated strong academic and leadership qualities in their scholarly and professional activities,” pahayag nito.
Para sa karagdagang detalye ukol sa scholarship maaaring bisitahin ang PhilFrance Scholarships Program website.