Bulletin Board

SCHOLARSHIP, ALOK SA MGA ESTUDYANTE SA SILANG, CAVITE

/ 9 May 2021

Inanunsyo ni Silang Mayor Corie Poblete na mayroong scholarship sa mga college students ng Silang, Cavite.

“Kung ikaw ay college student na naninirahan sa Silang, mag apply na sa ating Scholarship Program at mamaya na kayo mag rank game sa ML,” aniya ni Poblete.

Hinikayat din niya ang mga estudyante na magpokus muna sa pag-aaral.

“Guys tama na muna ang kakatiktok at snapchat sa bahay! Focus muna sa online class sabi ni Prof. Iyan ang hirap sa mga katulad nating millenials eh!” Dagdag niya.

Aniya, noon pa man ay prayoridad na nila ang pagsuporta sa edukasyon.

Ayon pa sa mayor, magpunta lamang sa opisina upang kumuha ng application forms.

Bukas ito mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.