Bulletin Board

PANANALIKSIK AT PAGSUSULAT NG KASAYSAYANG PAMPOOK: SERYE NG MGA WEBINAR NG DIBISYON NG KASAYSAYAN, UP LOS BANOS

/ 21 February 2021

Handog ng Dibisyon ng Kasaysayan, Departamento ng Agham Panlipunan, Unibersidad ng Pilipinas Los Banos ang ‘DSS Saturday School’, ang programang ekstensiyon para sa mga gurong mananaliksik at sa mga kawani ng sining at kasaysayang pampook sa Filipinas.

Tatlong araw ang nasabing webinar na gaganapin sa Marso 13, 20, at 27, 1:00 hanggang 4:00 n.h., via Zoom at Facebook Live.

Nakatuon ang mga lektura sa pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan sa pananaliksik at pagsusulat ng kasaysayang pampook (o local history) para sa mga local government unit, guro, at iba pang indibidwal at grupong sangkot at/o may interes sa nasabing paksa.

Narito ang mga tatalakayin ng kaguruan ng UP Los Banos:

Introduksiyon sa Kasaysayang Pampook

  1. Kahulugan, Saklaw, at Maikling Kasaysayan ng Kasaysayang Pampook (Prop. Rhina A. Boncocan)

Mga Batis at Sangguniang Gamit sa Pananaliksik 

  1. Archival Research: Navigating the What, Which, Where, and Why in Writing Local History (Prop. April Hope T. Castro, Ph.D.)
  2. Monuments as Historical Markers of Local History (Prop. Eugene Raymond P. Crudo)
  3. Pagmamapa at Pagkakatalogo ng mga Pag-aaral tungkol sa mga Epiko ng mga Filipino sa Filipinas (John Carlo S. Santos)

Mga Lapit o Dulog sa Pananaliksik

  1. Feminist Approach in Writing Women’s History (Prop. Ma. Reina Boro-Magbanua)
  2. Hugpungan at Sangandaan: Mga Tala sa Pananaliksik at Pagtuturo ng Kasaysayang Rehiyonal ng Bikol (Prop. Ruben Jeffrey A. Asuncion)
  3. It is in the House: Exploring Junctions of Cultural History with Home and Emotional Geography in Laguna Houses, 1950s (Prop. Ryan alvin M. Pawilen)
  4. Saysay at Pook: Mga Paraan ng Pagsusuri ng Kabuluhang Pangkasaysayan at Pangkultura ng Pook o Gamit sa Komunidad (Prop. Bernardo M. Arellano III)

Mga Pamamaraan at Hakbang sa Pananaliksik at Pagsulat

  1. Doing Historical Research Online and Other Ways to Learn History in the Time of COVID -19 (Prop. Veronica C. Alporha)
  2. Paano Magsulat ng Kasaysayang Pampook: Inisyal na Gabay (Prop. Gloria E. Melencio)
  3. Isang Pagsusuri sa Kolektibong Gunita Bilang Batis Pangkasaysayan: Ang Kaso ng Labanan sa San Mateo, 1899-1901 (Prop. Herald Ian C. Guiwa)

Mga Halimbawa ng Naisulat na Kasaysayang Pampook

  1. Kasaysayang Pampook ng Bayan ng Macalelon, Quezon (Prop. Gilbert E. Macarandang, Ph.D.)
  2. Si Aguinaldo sa Lubuagan: Ethno-kasaysayan ng Isang Bayan sa Kalinga (Prop. Jeffrey James C. Ligero)
  3. Palanan, Isabela During the Filipino-American War: A Local History (Prop. Reidan M. Pawilen)
  4. Ang Mga Gawa nina Nilo Ocampo at Jaime Veneracion bilang mga Eksemplar ng Kasaysayang Pampook sa Pilipinas (Prop. Roderick C. Javar, Ph.D.)

Libre at bukas para sa lahat ang DSS Saturday School. Kung interesado’y maaaring magpatala sa bit.ly/DSSMarTD2021. Magbibigay rin ng sertipiko sa mga makatatapos ng tatlong sesyon.